Agad na tumugon at rumesponde ang mga tauhan ng Coast Guard Station Central Palawan (CGSCP), Marine Environmental Protection Force-Palawan (MEPFORCE-PAL), Coast Guard District Palawan (CGDPAL), Special Operation Group Palawan (SOG-PAL), at mga concerned citizen upang kontrolin at pigilan ang pagkalat ng langis sa mga karagatan malapit sa Puerto Princesa City Port sa Palawan noong Setyembre 30.
Ang mga tauhan ng CGSCP, kasama ang mga tauhan mula sa CGDPAL, na pinangunahan ng MEPFORCE-PAL, ay nag-deploy ng apat na segment ng oil spill boom at anim na bails ng sorbent pads upang kontrolin ang oil spill.
Sa kabuoan, mahigit 500 metro kwadrado ang naapektohan ng oil spill, at humigit-kumulang dalawang drum ang nahakot na langis sa nabanggit na oil spill na tumagal ng higit ilang oras bago nakontrol.
Ang mga marine science technicians ng Coast Guard ay kumolekta rin ng sample ng langis mula sa dalawang pinakamalapit na barko na nakadaong sa Puerto Princesa City Port para sa fingerprinting analysis at pagsusuri ng posibleng pinagmulan ng natapon na langis. Isang RoRo/passenger vessel rin na umalis sa port ilang oras bago ang insidente ang kinuhaan ng oil samples para sa pagsusuri.
Discussion about this post