Bumisita sa tanggapan ng National Task Force (NTF) on COVID-19 sa Manila si Palawan Governor Jose Ch. Alvarez noong nakaraang Martes, October 6, 2020.
Sa impormasyong ipinabatid ng Office of the Governor, personal na nagpulong si National Task Force (NTF) on COVID-19 Chief Implementer Carlito G. Galvez, Jr. at si Gov. Alvarez kaugnay sa kalagayan ng lalawigan at mga ginagawang aksyon ng Pamahalaang Panlalawigan upang maiwasan ang pagkalat ng virus. Kabilang din umano sa napag-usapan ang mga plano ng pamahalaan upang maisalba ang ekonomiya at development sa lalawigan.
Samantala, ang NTF on COVID-19 sa pamamagitan ni Secretary Galvez ay nagbigay ng 3,000 sets ng Personal Protective Equipment o PPE para sa Palawan, kabilang din sa ibinigay ang mga Information, Education, and Communication (IEC) Campaign materials na ipamamahagi sa publiko upang malaman ang iba pang impormasyon kaugnay sa COVID-19.
Photo credit: Office of the Governor Public Relation Palawan
-Gilbert Basio
Discussion about this post