Nakatakdang magpasa ng isang resolusyon ang Sangguniang Bayan ng Narra ngayong araw upang maipasara muna ng pansamantala ang iilang barangay roads sa naturang bayan upang mas mabigyan ng seguridad sa checkpoint ang mga residente ng munisipyo.
Ang nasabing resolusyon na ibababa ng SB ay base sa isang request letter na nagmula kay Narra Mayor Gerandy Danao.
Sa liham, iginiit ng alkalde na ang kahilingang pansamantalang pagsasara ng iilang barangay road ay napagkasunduan sa isang pagpupulong na ginanap ng mga miyembro ng IATF ng nasabing bayan noong June 24.
Nakapaloob din sa liham ang mga barangay roads na pansamantalang isasara habang nasa bisa pa rin ang checkpoints sa iba’t-ibang bahagi ng munisipyo.
Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
Barangay Antipuluan:
- Cornelio dela Torre Road
- Benjamin Caabas Road
- Marcelo Padon Road
- Clemente Valdez Road
Barangay Poblacion:
- Mangga Ave. National Highway
- Dalandan Ave. National Highway
- Quirino Ave. National Highway
Bagong Sikat:
- Purok 2
- Purok 2, NIA Main Canal
- Purok 1, between Elementary School, Dumalin residence to Catholic Church
- Purok 3
- Purok 3, infront of I. N Church
Barangay Panacan 1:
- Scorpion Road, National Highway
Barangay Panacan 2:
- Matatag 2 – Narra National Highschool Road
Barangay Malatgao:
- NIA Caraniogan Road from National Highway to Purok Bagonf Lipunan
- NIA Caraniogan Road from National Highway to Provincial Road
- NIA Camalayan Road from National Highway to Provincial Road
- NIA Camalayan Road from National Highway to Purok El Salvador
Barangay Caguisan:
- Zone 1, 2, 3, at 4
Barangay Bato-Bato:
- Purok 4, Barangay Site Cemetery
- Purok 6
Barangay Elvita:
- Line 2, 3, 4, 5
Barangay Calategas:
- Dam Site
- Barangay Proper
- Purok Magsasaka to Kabangkalan
Barangay Batang-Batang:
- Barangay Road
- Linemen Road
- Purok Maligaya – Barangay Road
- Purok Bagong Sigla – Barangay Road
- Purok Pag-Asa – Barangay Road
Barangay Sandoval:
- Sandoval Highschool Road
- San Jose Road
Barangay Malinao:
- Purok Maligaya
Barangay Estrella:
- Road going to Estrella National Highschool
- Feeder Road going to Taritien
- Feeder Road going to Bagong Sikat
Barangay Taritien:
- Aplaya Road to El Salvador
- Purok Maligaya to Cayapas Compound
- Line 3 at Line 5- Elvita Road
- Line 3 at Line 5 – Malatgao Road
- Line 6 – Estrella Village
Barangay Dumanguena:
- Line 18 – Barangay Road
Ang mga nabanggit na kalsada ay pansamantalang isasara upang makatulong sa mas pinaigting na seguridad at checkpoints ng IATF kaugnay sa laban kontra COVID-19.
Discussion about this post