Nanumpa na sa kanilang tungkulin ang mga panibagong kasapi ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) mula sa iba’t-ibang sektor nito lang Setyembre 28.
Kabilang sa mga bagong miyembro ang mga kilalang personalidad tulad nina Atty. Allen Ross Rodriguez, Provincial Prosecutor ng Department of Justice (DOJ)-Palawan; Atty. Sussanne Lacson, presidente ng Integrated Bar of the Philippines (IBP)-Palawan Chapter; Eleutherius Edualino ng Puerto Princesa – Palawan Association of Higher Education Institutions (PPPAHEI); Rey Felix Rafols, presidente ng Palawan Tourism Council; at si Roger Garinga ng Provincial Agriculture and Fisheries Council (PAFC) Palawan.
Ayon kay Atty. Lacson, may malaking kontribusyon ang inaasahan mula sa IBP Palawan Chapter, partikular sa mga usaping legal. Dagdag ni Rafols, itutok ng konseho ang kanilang pansin sa sektor ng turismo, lalo na’t mayroong mga hamon na kinakaharap ang industriya sa Palawan.
Sa pagsasagawa ng pagpalawak ng membership ng PCSD ay inaasahan na mas mapapabilis na ang proseso ng paggawa ng mga desisyon o resolusyon hinggil sa mga mahahalagang usapin na dala sa konseho. Kasama rin sa mga nanumpa ang mga bagong kinatawan mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na si Usec. Juan Miguel Cuna at Usec. Marcedita Sombilla ng Department of Agriculture.
Discussion about this post