Nagpaliwanag ang Sangguniang Panlalawigan patungkol sa ibinabang Preventive Suspension Order laban kay Narra Municipal Mayor Gerandy “Astronaut” Danao sa isinagawang press conference kaninang pasado 2:00 ng hapon, Hulyo 29, 2020 na ginanap sa VJR Hall sa gusaling kapitolyo.
Ayon kay Vice Governor Dennis M. Socrates, hindi pa ito ang pinal na desisyon sa kaso bagkus ito ay Preventive Suspension Order lamang at hindi pa tapos ang pagdinig sa kaso.
“Hindi pa tapos ang kaso, hindi ito sentensya kaya nga po ako I prefer to refer sa aming magiging pasya sa resolution, we resolved the motion to the preventive suspension, hindi ito yung desisyon at ito ay isang insidente lamang sa kaso na hindi pa natatapos… In fact, magsisimula pa lamang ang pagdinig sa mga testigo sa Wednesday, Thursday, Friday Next week.”
Sa posibilidad naman na maimpluwensyahan ang testigo at ebidensya sa takbo ng kaso dahil kasalukuyang nakaupo bilang alkalde si Vice Mayor Lumba, ayon kay Vice Governor Socrates kailangan nilang makita ang isasampang kaso ng Alkalde sa Sangguniang Bayan ng Narra.
“Sa aking pagkaalam, may isang konsehal na hindi kasama sa kaso kung mapatawan ng Preventive Suspension si Vice Mayor Lumba hypothetically at lahat ng kasama niyang inirereklamo ni Mayor Danao, siguro magiging Mayor yung naiwang konsehal and I don’t know if DILG might or I don’t know the law but somehow there must be mechanism to fill in the position.”
Ipinaliwag din sa media ang grounds kung bakit napatawan ng Preventive Suspension si Mayor Danao. Iginiit din ng Bise Gobernador na walang “political pressure” sa kanilang ginawang desisyon.
Humingi naman ng postponement ang abogado ng Sangguniang Bayan ng Narra sapagkat hindi pa umano nakokompleto ang affidavit ng kanilang mga testigo at pinagbigyan naman ito ng Sangguniang Panlalawigan.
“Mahaba pa naman ang panahon at ang deadline nito to terminate the whole case is September 25, 2020, which is 120 days after the respondent Mayor Danao first received the copy of complaint,” dagdag ni Vice Gov. Socrates.
Samantala, inihain ang Preventive Suspension Order kay Mayor Danao nitong Hulyo 28 sa mismong opisina nito pero hindi ito tinanggap ng kampo ng Alkalde.
Nakasaad sa order ang kasong Administratibo na inihain ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Narra na kinabibilangan ng Grave Misconduct and Violation of Sec. 3 (e) and (j) ng RA 3019; Gross Negligence (3 counts); at Conduct Prejudicial to the Best Interest of Service. Nakasaad din na magtatagal ng animnapung araw (60) ang effectivity ng Order of Preventive Suspension.
Sa kasalukuyan, si Vice Mayor Crispin Lumba Jr ang tumatayong Alkalde ng Narra matapos na manumpa ito sa harap ni Gob. Jose Chaves Alvarez ngayong araw.
Discussion about this post