Nakapagtala na ng 378, 690 mga voters’ registrations ang naproseso ng Commission on Elections (COMELEC) sa isinasagawa nitong magkakasunod na pagpapatala para sa Brgy. at SK Elections na gagawin sa Oktubre 2023.
Matatandaan na ika-12 ng Disyembre noong nakalipas na taon nang muling magresume ang Commission on Elections para saa pagtanggap ng aplikasyon, kasunod naman ng pagtakda noong ika- 17 ng Disyembre para sa ‘Register Anywhere’ program ng Komisyon.
Sa ngayon ang National Capital Region, ang may pinakamalaking bilang ng registrants na umaabot sa tinatayang 66,002, kasunod ng Region 7 na mayroong tinatayang 26, 691.
Kasabay nito patuloy ang Komisyon ng Halalan sa kanilang paghimok sa mga mamamayan na magparehistro na ngayon at huwag nang hinatyin pa ang deadline para magparehistro para maiwasan ang mahabang pila sa mga tanggapan ng COMELEC.
Discussion about this post