PUERTO PRINCESA CITY — Arestado ng Palawan Provincial Police Office ang dalawang kalalakihan na most wanted persons sa magkahiwalay na munisipyo sa lalawigan ng Palawan.
Unang naaresto si Ronnel Rodrigo Amante, 38 anyos, isang security guard at 5th most wanted ng Busuanga Municipal Police Station.
Nahaharap ito sa kasong paglabag ng Republic Act 9262 o Violence Against Women and Their Children Act. Naaresto ito Hulyo 16, 2018.
Habang si Nelson Tabang Maripusa Jr ay naaresto naman nitong Hulyo 17 sa Barangay Dipla, Taytay, Palawan.
Siya ay 4th most wanted sa bayan ng Taytay dahil sa kasong Acts of lasciviousness at Republic Act 7610.
Discussion about this post