Itinanghal na overall champion ang apat na boksingerong atleta mula sa Western Philippines University (WPU) sa katatapos na State Colleges and Universities Athletic Association (SCUAA) National Games 2025 na ginanap sa Camiguin Polytechnic State College (CPSC), Camiguin Island noong Abril 22–26, 2025.
Kinatawan ng Region IV, sina Raffy Dubao at Raymond Tijolan ang nagwagi ng gintong medalya, habang si Melbert Navarro naman ay nag-uwi ng tansong medalya. Samantala, nagtamo naman ng ika-apat na puwesto si Michael Liberato.
Pinangunahan ni Mr. Danilo C. Jagmis ang koponan bilang coach, na naging susi sa tagumpay ng mga atleta ng WPU.