Tagisan ng galing sa pagsulat at pagawit handog ng Pamahalaang Panlalawigan para sa mga Palaweño na nais makilahok sa Tunog Palawan Baragatan Festival 2022.
Ayon kay Dominic Fresnillo tumatayong Committee Chair ng nasabing kompetisyon, nakasentro ang gagawing awit sa mga programa at proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan.
“Una ang tema nito ay legasiya, katuparan ng mga pangarap sa bagong Palawan ngayon. Ang gusto natin makita sa lyrics nitong ating mga composers na sasali ay yung pagpapahalaga doon sa mga programa at proyekto ng ating Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ni Governor JCA,” ani Fresnillo.
“So how do we appreciate that? Paano natin pinapahalagaan yung mga programa na ipinatupad ng Pamahalaang Panlalawigan na sa tingin natin nagbigay ng malaking pagbabago sa Probinsya natin so yun ang tema,” dagdag pa nito.
Song Entry Requirements:
- The lyrics of the song entries are strictly confined to the Theme of the Baragatan sa Palawan Songwriting Competition 2022.
- Duly accomplished entry forms must accompany each and all entries signed by the composers), lyricist(s) and/or arranger(s), in case there are several of them, who, it is understood, shall share the prize between them.
3.Any song entry must be recorded on a compact disc (CD) or flash drive (USB), as the case may be, with
vocal rendition which will be submitted to TUNOG PALAWAN 2022-Execom.
4.The Demo CD/USB must be clear and audible.
5.Only the song title shall be printed on the CD or in the case of USB, a proper label attached thereto;
- Introductions and explanations which are not part of the song are not allowed.
- Requirements upon submission to the TUNOG PALAWAN 2022 Execom of the sealed envelope with the following contents:
Fully accomplished entry form
Three (3) pcs. typewritten/printed lyrie sheets
Song entry recordad on a CD or USD with a CLEAR vocal rondition
Prizes and Honors:
- Grand Champion (Song of the year):₱75,000.00 and trophy.
- 1st runner up: ₱50,000.00 and plaque.
- 2nd runner up: ₱30,000.00 and plaque.
The seven (7) Non-winning finalists will receive ₱10,000.00 each and plaques individually.
Dagdag pa ni Fresnillo, maaring makasali ang mga residente ng Puerto Princesa maliban na lamang sa mga nagkampeon na noong mga nagdaang kompetisyon.
“This is open for all Palaweños kasama na pati mga taga Puerto Princesa amateur and professional song writers. Maliban nalang noong mga grand prize winners noong nagdaan song writing contest natin yung mga nag champion pero yung 2nd and 3rd p-puwede pa sila sumali and all other interested song writers sa buong probinsya,” ayon pa dito.
Samantala, apat (4) na minuto lamang o mas mababa pa ang itatagal ng awit ayon kay Fresnillo. At sa mga nais sumali ay tumungo lamang umano sa tanggapan ng impormasyon sa gusaling kapitolyo upang kumuha ng entry form at sa Mayo 20 ang deadline ng submission ng mga entries para dito.
Discussion about this post