Arestado ng mga alagad ng batas ang isang 41 na ginang sa naganap na buy-bust operation sa San Vicente, Palawan kahapon, January 25, 2021.
Kinilala ang suspek na si Donesa Villanueva Paz, may-asawa at residente ng Purok Pag- Asa, Brgy. San Isidro, San Vicente, Palawan.
Batay pa sa impormasyon, dakong 3:40 pm kahapon, January 25, 2021
nang ikasa ng San Vicente MPS at mga personnel ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Provincial Intelligence Unit (PIU) ang isang anti-illegal drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa nasabing suspek.
Nakumpiska sa pag-iingat ng ginang ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang methamphetamine hydrochloride o “shabu (buy-bust item), dalawa pang pakete na pinaniniwalaan ding ipinagbabawal na gamot at isang P1000 bilang buy-bust money.
Nasa kostudiya na ng San Vicente MPS ang nadakip na indibidwal habang ihinahanda na rin ang kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Discussion about this post