Saturday, January 23, 2021
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Business
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Business
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home City News

22 personnel ng City PNP, sumailalim sa drug test

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
May 26, 2020
in City News, Puerto Princesa City
Reading Time: 2min read
34 1
A A
0
22 personnel ng City PNP, sumailalim sa drug test
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Sumailalim sa drug test kamakailan ang 22 tauhan ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) na naka-assign sa City Intelligence Unit (CIU) at City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU).

Sa impormasyong nakalap ng Palawan Daily, isinagawa ang drug test sa Puerto Princesa City Crime Laboratory Office (PPCCLO) bandang ika-9:30 ng umaga noong Mayo 21 at base umano sa resulta ay negatibo ang lahat sa presensiya ng Methamphetamine at THC-metabolites na kapwa mapanganib na droga.

RelatedPosts

Iba pang bagsakan ng mga paninda sa Puerto Princesa, hiling na ilipat din sa Brgy. Irawan

Ipil at Kamagong, nasabat ng Iwahig Prison and Penal Farm

Ilan pang kalsada sa Puerto Princesa, inirekomenda na isama sa ‘exemption’ sa Trike Ban

Ayon kay PCapt. Pearl Manyll Lamban-Marzo, officer in charge ng City Community Affairs and Development Unit (CADU), lubos ang kasiyahan ng PPCPO sa resulta ng nasabing drug test na aniya’y bahagi ng internal cleansing ng kabuuang hanay ng Philippine National Police (PNP).

“Nang ma-receive ito ng ating City Director, masaya siya at proud sa ating mga personnel although… umpisa pa lang alam niya [na wala sa kanila ang magpopositibo sa droga], kaya lang kailangan nating i-comply ‘yung internal cleansing natin. So, ito ay nagpapatunay na ang ating mga personnel ay hindi gumagamit ng iligal na droga,” ani Marzo.

“Ito ay nagpapatunay na ang ating personnel talaga ay doon tayo sa misyon natin na ‘To Serve and Protect’ and at the same time, tayo mismo ay sumusunod din sa batas na ipinatutupad,” dagdag pa niya. Dagdag pa ni PCapt. Marzo, ang ginawang drug test ngayong Mayo ay ikalawa na ngayong taon; ang una ay ginawa noong buwan ng Pebrero. Karaniwan umanong buwanang ginagawa ang nasabing compliance ngunit naapektuhan ng pagdating ng COVID-19.

Ngunit paglilinaw ng opisyal, bagamat buwan-buwan itong ipinatutupad, maliban pa sa random drug test, ang petsa at kung sinu-sino ang sasailalim sa drug testing ay tanging ang mga pinuno lamang umano ang nakaaalam.

Inaasahan naman umano ni City PNP Director Marion Balonglong sa susunod na gagawing drug test ay muling walang magpopositibo sa paggamit ng illegal drugs sa kanilang hanay.

Ngunit tiniyak din umano ng hepe ng City PNP na kung sakaling may magpositibo sa drug testing ay agad-agad itong paiimbestigahan ng pamunuan sapagkat walang kinokonsinte sa kanilang mga tauhan.

“At ‘yun nga ang reminders niya (City Director Balonglong). Actually, ayaw na ayaw niya nga ho ‘yan pagdating sa iligal na droga, so, hindi naman po natin ‘yan ito-tolerate, [kaya] paiimbestigahan ‘yan at kapag napatunayan ho ay may kaukulang kaso na isasampa sa personnel natin,” pagtitiyak ni PCapt. Marzo.

Sa nakalipas umanong mga taon ay may ilan na ring nagpositibo sa paggamit ng illegal drugs na nasampahan na rin ng kaso; ang iba naman umano ay nabasura ang kaso habang ang iba ay nakakulong pa hanggang sa kasalukuyan.

Tags: 22 personnelCity PNPDrug testpuerto princesa
Share27Tweet17Share7
Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

Iba pang bagsakan ng mga paninda sa Puerto Princesa, hiling na ilipat din sa Brgy. Irawan
City News

Iba pang bagsakan ng mga paninda sa Puerto Princesa, hiling na ilipat din sa Brgy. Irawan

January 23, 2021
Ipil at Kamagong, nasabat ng Iwahig Prison and Penal Farm
City News

Ipil at Kamagong, nasabat ng Iwahig Prison and Penal Farm

January 22, 2021
Ilan pang kalsada sa Puerto Princesa, inirekomenda na isama sa ‘exemption’ sa Trike Ban
City News

Ilan pang kalsada sa Puerto Princesa, inirekomenda na isama sa ‘exemption’ sa Trike Ban

January 22, 2021
P12 na minimum fare sa tricycle sa Puerto Princesa, isinusulong
City News

P12 na minimum fare sa tricycle sa Puerto Princesa, isinusulong

January 22, 2021
Provincial Government, dumistansya sa insidente ng pagbaklas ng mga tarpulin sa Culion na kontra sa paghahati ng Palawan
City News

Mga labi ng pilotong Palaweño, dumating na sa Palawan

January 21, 2021
Ano nga ba ang dapat mong malaman tungkol sa PPC-COVAC?
City News

Puerto Princesa City COVAC planong magsimulate para sa bakuna kontra COVID-19

January 20, 2021

Latest News

Brooke’s Point LGU, magsasampa ng kaso laban sa asawa ng SB member dahil sa paglabag nito sa health and safety protocols

Brooke’s Point LGU, magsasampa ng kaso laban sa asawa ng SB member dahil sa paglabag nito sa health and safety protocols

January 23, 2021
Iba pang bagsakan ng mga paninda sa Puerto Princesa, hiling na ilipat din sa Brgy. Irawan

Iba pang bagsakan ng mga paninda sa Puerto Princesa, hiling na ilipat din sa Brgy. Irawan

January 23, 2021
Outfit Ideas for the Ladies this 2021

Outfit Ideas for the Ladies this 2021

January 23, 2021
The battle against COVID-19 continues

The battle against COVID-19 continues

January 23, 2021
Verification at validation sa recall petition ng ilang opisyal sa Narra, Palawan, inaasahan sa huling linggo ng Enero- SPBN

Verification at validation sa recall petition ng ilang opisyal sa Narra, Palawan, inaasahan sa huling linggo ng Enero- SPBN

January 23, 2021

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    12971 shares
    Share 5188 Tweet 3243
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    9771 shares
    Share 3908 Tweet 2443
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    8781 shares
    Share 3512 Tweet 2195
  • JCA to Danao: Hindi ka na-elect para magbuhat ng bigas

    5753 shares
    Share 2301 Tweet 1438
  • DOH-CHD considers untested dead PUI to be COVID positive

    5033 shares
    Share 2013 Tweet 1258
Palawan Daily News

© 2020 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Business
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Business
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us

© 2020 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password?

Create New Account!

Fill the forms below to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist