ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Education

Blogger at Consultant ng PDN, nagbahagi ng kasanayan sa piling mag-aaral ng PNS

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
November 23, 2019
in Education, Puerto Princesa City, Youth & Campus
Reading Time: 4 mins read
A A
0
Blogger at Consultant ng PDN, nagbahagi ng kasanayan sa piling mag-aaral ng PNS

Blogger and Palawan Daily News consultant Evo Joel Contrivida holds Blog Talk at the Puerto Princesa City Library in celebration of Library and Information Services Month. Photo by Sev Borda III

Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Lubos na pasasalamat ang ipinarating ng pamunuan  ng City Library ng lungsod ng Puerto Princesa sa blogger at consultant ng Palawan Daily News (PDN) na si Evo Joel Contrivida na nagbigay ng libreng seminar ukol sa pagba-blog noong ika-20 ng Nobyembre.

Ibinahagi ni Contrivida ang mga tips sa mga kabataang manunulat at content creator kung paano ang pagsulat ng blog at kung paano lumikha ng nakahihikayat na mga paksa sa digital platform. Ang pagba-blog, ayon sa Merriam-Webster Dictionary ay isang web site na naglalaman ng mga online personal reflections, mga komento, at kadalasan ay hyperlink na ibinibigay ng writer at tumutukoy din sa mga isinulat ng isang indibidwal ukol sa kanyang personal na mga opinyon, mga aktibidad at mga karanasan.

RelatedPosts

WPU strengthen ties with BFAR

CDRRMO finalizes hazards contingency plans

PPCCI partners with WPU to help empower local entrepreneurs

Dumalo sa kalahating araw na aktibidad ang nasa 35 mga Grade 9 students ng Palawan National School (PNS). Dumating din ang anim pang barangay satellite employees ng City Library at ang mga local blogger ng lungsod at lalawigan ng Palawan.

Ang nasabing aktibidad ay kaugnay sa ika-29 pagdiriwang ng Library and Information Services (LIS) Month batay sa Presidential Proclamation No. 837, s. 1991 na ginugunita kada buwan ng Nobyembre.

Ayon kay City Librarian-in-charge Joymarie B. Olape, natuwa siyang naging interesado ang mga kabataan sa aktibidad na isinagawa mismo sa loob ng City Library. Aniya, makatutulong ito upang ang mga hindi pa nagkakaroon ng pagkakataong makapasok sa Aklatan ng lungsod ay makarating na sa lugar at mas malaman pa ang mga serbisyo at kahalagahan nito.

Masaya niyang ibinahagi na si G. Contrivida mismo ang nag-alok ng pagbibigay ng libreng “talks” sa mga mag-aaral.

“I was moved with this generation na maraming fake news. Hindi naitatama ang mga detalye lalo na online. It’s good thing na Library Month [ngayon], nakita ko na magandang venue [ito] to educate our youth  na gamitin ang Library kasi andiyan lahat ng totoong facts,” ayon naman kay G. Contrivida nang tanungin kung ano ang naging inspirasyon niya sa libreng aktibidad na isinagawa para sa mga estudyante.

Bilin pa niya sa mga kabataan na bagama’t masaya at glamorosa ang mundo ng social media ngunit pakatandaan na “pwedeng sikat ka ngayon bukas hindi na, kaya iba pa rin ang nakapag aral. “Yung may natapos para may security ka sa sarili mo.”

Ayon naman sa Grade 9 student na si Anna Leonora Rodriguez, isa sa mga manunulat  ng “The Palawenian” at kumukuha ng Science, Technology, Engineering and Math (STEM) track, bilang writer ay ibig din nilang matutunan kung ano ang iba pang larangan na pwede nilang makuha. Aniya, sa pahayagan ng eskwelahan ay mga mag-aaral lamang ang kanilang naaabot habang sa web ay mas marami dahil kunektado sa iba’t ibang network gaya ng blogging.

Nang dahil dito ay hindi na umano sila nag-alinlangang dumalo sa kalahating araw na aktibidad na ipinabatid sa kanila ng kanilang librarian. Doon ay binigyan aniya sila ng impormasyon kung paano magsimula, kung ano ang makukuha nilang mga benepisyo sa pagba-blog at iba pang oportunidad gaya ng pupwede rin nila itong pagkakitaan.

 

KAHALAGAHAN NG SILID-AKLATAN

“Mayroon pa ring mga books na hindi nasa internet. So, may mga information na hindi mo makukuha sa internet  na sa Library lang matatagpuan and kasi ‘yung internet, hindi natin nako-control , hindi natin know [minsan] kung reliable, kung totoo ang makukuha mo. At least kung sa books, published ‘yun. Alam natin na totoo po talaga ang info,”  ayon naman kay Rodriguez, nang tanungin kung naniniwala pa rin siyang mahalaga ang library sa gitna ng pag-unlad ng teknolohiya na nagbibigay ng ibang opsyon sa pag-aaral at mga babasahin.

Aniya, ginagamit pa rin nila ang pasilidad sa pananaliksik kaugnay sa napiling track sapagkat kailangan nila ang mga mapagkakatiwalaang references.

“Actually, ginagamit po namin ang library kasi, ‘yun po, sa track namin, research po talaga [ang ginagawa namin], kasi sa mga studies namin, kailangan naming maghanap ng mga references talaga. So, puntahan po talaga namin ang ‘yung library,” masaya niyang pagbabahagi.

Sa kanya pa umanong obserbasyon, kahit sa kanyang mga kamag-aaral ay mas gusto pa rin nila ang magbasa ng libro. “Iba pa rin po ‘yung nakukuha sa libro kaysa sa internet,” aniya.

“Reading is a way to learn. ‘Yun ang parang gate sa new knowledge and without reading, parang kino-close [mo] lang ‘yung sarili mo para hindi maka-absorb ng new knowledge kasi ‘yung books, sobrang dami nitong nagagawa sa atin. Ang dami nating natutunan. Actually, nakaka-travel din tayo through books di ba!? Siyempre, kahit may mga phones na po, gadgets, never dapat nilang (mga kabataan) makalimutan ‘yung importance ng mga books,” mensahe pa niya.

Kaugnay naman sa serbisyo ng City Library, kung sila umano ang tatanungin ay ibig din nilang magdagdagan ang oras at araw na ito ay bukas halimbawa ng Sabado at Linggo. Sa kasalukuyan naman, bagamat may aprubado ng resolusyon si Kgd. Roy Ventura na gawin ng 24 oras ang serbisyo ng nasabing pasilidad mula Lunes hanggang Biyernes ngunit hindi pa rin naipatutupad dahil sa kakulangan ng empleyado.

“Kasi ‘yung schedule…‘yung uwian namin, hindi na kami nakakaabot pa sa library. So, at least kung Sunday ay mabuksan para ‘yung mga student na walang time, may chance [pa rin] pong makapunta [rito],” ayon pa kay Rodriguez.

Sa kabilang dako, tagubilin naman ni City Librarian Olape na libre lamang na pumunta sa library at itinayo ito para sa publiko kaya hiling niya na huwag nilang hayaang di magamit.

“Sana magamit nila [ito] kasi ang library is for them, reference di ba, for aid para makatulong sa education nila.”

Ang City Library, na affiliated din ng National Library of the Philippines (NLP) ay may mandatong maghikayat ng mga Pilipino sa pamamagitan ng mga aktibidad. Ngayong Nobyembre, ipinagdidiriwang  ang Library Information Month habang kada ikatlong linggo naman ay National Book Week.

“The satellite libraries program was one of the awardees of Galing Pook Award,” kwento pa ni Olape.

“No’ng time na ‘yun, ‘yung satellite libraries was one of the awardees kasi nagbo-boom palang ‘yun eh, di katulad ngayon, ‘yung National Library, bago palang sila [naghihikayat ng] ‘Establishment ng Barangay Reading Center,’  kami mayroon na; bago palang sila, kami mayroon na,” dagdag pa niya.

Samantala, ang lungsod ng Puerto Princesa ay mayroong pitong satellite library na matatagpuan sa mga barangay ng Sta. Lourdes, San Jose, Langogan, San Rafel, Mangingisda, Inagawan at Kamuning.

Tags: blogbloggerbloggingcity libraryevo joel contrividalibrarylibrary and information services monthpalawan daily newspalawan highPalawan National Schoolpdnpnspuerto princesa citystemthe palawenian
Share125Tweet78
ADVERTISEMENT
Previous Post

‘Agri-nihan’ promotes ‘Bayanihan’ farming culture

Next Post

PCSD urges public to help reduce country’s climate change risks

Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

WPU strengthen ties with BFAR
Education

WPU strengthen ties with BFAR

May 15, 2026
CDRRMO finalizes hazards contingency plans
City News

CDRRMO finalizes hazards contingency plans

May 14, 2026
PPCCI partners with WPU to help empower local entrepreneurs
City News

PPCCI partners with WPU to help empower local entrepreneurs

May 8, 2026
BFAR trains Bangus fish cage operators to sustain local production in Puerto Princesa
Agriculture

BFAR trains Bangus fish cage operators to sustain local production in Puerto Princesa

May 5, 2026
City News

City crafts contingency plan for sanitary landfill

May 4, 2026
Need for dwelling space triggers mangrove cutting in Luzviminda
City News

Need for dwelling space triggers mangrove cutting in Luzviminda

April 30, 2026
Next Post
PCSD expects more than 200 participants to International Conference on Biosphere and Sustainability

PCSD urges public to help reduce country's climate change risks

Young leaders tackle teenage pregnancy, rising HIV cases among the youth

Young leaders tackle teenage pregnancy, rising HIV cases among the youth

Discussion about this post

Latest News

Seaside Cebu Arena to open this June 2026

Seaside Cebu Arena to open this June 2026

May 15, 2026
PAGASA: El Niño may emerge starting June 2026

PAGASA: El Niño may emerge starting June 2026

May 15, 2026
WPU strengthen ties with BFAR

WPU strengthen ties with BFAR

May 15, 2026
Napocor assures fuel supply assistance at lower rates to power providers

Napocor assures fuel supply assistance at lower rates to power providers

May 15, 2026
DSWD, DOLE trains 232 4Ps beneficiaries in Bataraza

DSWD, DOLE trains 232 4Ps beneficiaries in Bataraza

May 15, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15261 shares
    Share 6104 Tweet 3815
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11719 shares
    Share 4688 Tweet 2930
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10301 shares
    Share 4120 Tweet 2575
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    10116 shares
    Share 4046 Tweet 2529
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9749 shares
    Share 3899 Tweet 2437
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing