Dadalo lamang sana sa isang pagpupulong ng mga kaparian sa Sienatel sa Brgy. Tiniguiban si Rev. Fr. Neil Pagayona kahapon ng umaga nang atakihin ng paninikip ng didib. At upang hindi umano makadamay ay iniwas niya ang kanyang sasakyan mula sa kasalubong na traysikel na naging dahilan naman upang sumalpok ito sa isang puno.
Dahil dito, nawasak ang unahang bahagi ng kotse ng nabanggit na pari na napag-alamang kasalukuyang Assistant Parish Priest ng San Pedro Parish.
Sa kasalukuyan ay patuloy na nagpapagaling si Fr. Pagayon sa pribadong ospital sa lungsod na nagtamo ng pinsala sa bahagi ng kanyang tadyang dahil sa aksidente. Humihingi naman ngayon ng panalangin ang mga kaibigan at mga mamamayan ng parokya sa agaran niyang paggaling.
Discussion about this post