Sumuko na ang suspek na sumaksak sa gwardya na si Jessy Mampay nitong November 2, 2021 habang naka-duty sa isang establisyemento sa kahabaan ng Rizal Avenue, Brgy. Manggahan, Puerto Princesa City.
Ang 44 anyos at residente sa Brgy. San Pedro na biktima ay nagtamo ng saksak sa dibdib na ikinamatay nito.
Ang suspek ay kusang sumuko sa City Anti-Crime Task Force Head, Richard Ligad, noong November 21, 2021 at sinuko naman ito sa Police Station 1.
Kinilala ang suspek na si Ronald Dante na residente sa Brgy. Sta. Lourdes.
Sa nakalap na impormasyon ng news team, umamin aniya ang suspek na siya ang sumaksak kay Mampay.
Murder ang kinakaharap na kaso ng suspek.
Discussion about this post