Nagsagawa ng Send-off Ceremony para sa deployment sa National and Local Elections 2022 ang kapulisan sa pangunguna ni Police Colonel Roberto M. Bucad kasama ang 3rd Marine Brigade na pinangunahan ni Colonel Rommel B Bogñalbal, Philippine Navy (Marine), Commander, Joint Task Force Puerto Princesa, kung saan ay ipinresinta kay Ms. Sheila F. Sison, City Elections Officer ang mga resources ng PNP at AFP na gagamitin upang mapanatiling mapayapa at matagumpay ang Halalan 2022.
342 ang kabuuang miyembro ng Kapulisan (135 dito ay magbabantay sa 53 Voting Centers, 120 ay bumubuo ng Quick Response Teams (QRT); at 87 ay security sa iba’t ibang lugar sa lungsod) at ang 71 na miyembro ng Kasundaluhan bilang QRT.
Kasama din sa ipinresinta ang mga sasakyan ng PNP at AFP at iba pang kagamitan na gagamitin sa Halalan.
Pahayag ni Police Colonel Bucad, “In the face of this challenges, we can assure you that we, the COMELEC, PNP and AFP will remain committed to our task this coming election to ensure a fair, honest, safe and secured elections.”
Sa acceptance message naman ni COMELEC Officer ay nagpasalamat siya sa kapulisan at kasundaluhan sa paglilingkod sa bayan. Sinabi niya din sa mga magbabantay na kapulisan at kasundaluhan na “manatili kayong mapagmatyag at umuwi kayo sa inyong pamilya ng ligtas”.
Nagpadala din ng karagdagan ang PPCPO ng 100 na pulis sa Palawan PPO bilang augmentation para mapanatili ang kapayapaan ng halalan sa Probinsiya ng Palawan, ayon ito sa kautusan ng Police Regional Office MIMAROPA.
Discussion about this post