Masuwerteng hindi napuruhan ang isang lalaki na binaril sa National Highway ng Barangay Tiniguiban, Puerto Princesa City, kahapon Enero 13.
Kinilala ang biktima na si Charlie Slivestre Loterte, 29 anyos, residente ng Purok Anonang, Barangay Sicsican. Habang kinilala naman ang suspek na si Johnrey Cabañero Rosiana, 21 anyos, cellphone technician at residente sa Purok Matiyaga Barangay San Jose.
Ayon sa imbestigasyon ng Police Station 2, bumili ang biktima ng cellphone sa suspek ngunit may sira ang nabili na cellphone kaya’t nais nang ibalik ng biktima sa suspek. Kahapon magkikita na ang dalawa sa establisyemento at nagtext pa ang suspek sa biktima na “tumawid ka sa kabila na nakamotor ako basta tawid ka sa kabilang side.”
Agad bumunot ng baril ang suspek at binaril nito ang biktima na masuwerteng nakaiwas.
Matapos ang pamamaril agad tumakas ang suspek ngunit sa kalaunan nadakip din ng awtoridad sa kanyang tahanan.
Kasong attempted murder ang kinakaharap nito at dahil umiiral na ngayon ang election gun ban dagdag kaso din ang isasampa ng PNP sa suspek.
Discussion about this post