Wala ng buhay ng isugod sa pagamutan ang motorista na kinilalang si Jerico Matilla Araño, 19-anyos, walang driver’s license at residente ng Barangay Milagrosa, Puerto Princesa City, Palawan.
Habang kinilala naman ang driver ng jeepney na kabanggaan nito na si Reynaldo Fernandez Cacho Jr, 59-anyos, at residente ng Barangay Marangas, Bataraza, Palawan.
Ayon sa ulat ng Palawan Police Provincial Office, noong Hulyo 16, ganap na 4:53 nang hapon sa National Highway ng Ipilan Bridge, Barangay Ipilan, Brooke’s Point, nangyari ang aksidente.
Sa imbestigasyon, magkasalubong ang dalawang motor at jeepney kung saan hindi pinansin ng motorista ang dalawang linya sa gitna ng kalsada na bawal ang mag-overtake, at nag-overtake ito sa sinusundan sasakyan dahilan upang bumangga sa kasalubong na jeepney.
Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang motorista dahilan ng agarang kamatayan nito.
Sinubakan pa itong dalhin sa Southern Palawan Provincial Hospital Brooke’s Point, ngunit idineklara na ng sumuring doktor na wala na itong buhay.
Ang driver ng jeepney ay kasalukuyan namang nasa kostudiya ng PNP para sa karagdagang imbestigasyon.
Discussion about this post