Bago magtapos ang buwan ng Abril ay naaresto ng PNP ang number 10 Most Wanted Person-Provincial Level sa Brgy. Dumarao, Roxas, Palawan.
Ang suspek na kinakaharap ngayon ang kasong panggagahasa ay isang 20 taong gulang na lalaki, binata, magsasaka at residente ng nabanggit na barangay.
Nadakip ang nasabing indibidwal ng pinagsanib na pwersa ng Roxas MPS at Provincial Intelligence Unit (PIU)-Palawan Police Provincial Office sa bisa ng ibinabang warrant of arrest (WOA) ni Judge Anna Leah Tiongson-Mendoza ng RTC Branch 164-Roxas, Palawan noong Abril 8, 2021 para sa paglabag ng suspek sa Article 266-A-Rape ng Revised Penal Code ng Pilipinas.
Wala namang itinakdang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Discussion about this post