Pinasinayaan na kahapon, Marso 23, sa Sitio Bubusawin, Barangay Apurawan sa bayan ng Aborlan ang DREAMS project ng Department of Energy (DOE).
Ang proyektong 19.4 kWp Solar PV DC Smart Grid System ay inaasahang papakinabangan ng nasa 120 households sa nasabing lugar.
Ang Solar PV DC Smart Grid-System ay makabagong teknolohiya na sumasalo ng enerhiya mula sa sikat ng araw at ginagawa itong kuryente, ayon kay USec Felix William Fuentebella, PSC Chairperson ng Department of Energy and DREAMS.
“Narito po tayo upang tingnan at obserbahan ang isang modelo kung paano magpatakbo ng isang sistema na nagbibigay ng kuryente at tinatawag na ‘solar plate’ o plato na sumasalo ng energy potential na kino-convert to electricity at naka-connect sa mga bahay,” ani Fuentebella.
Tumatagal ng kasi ito ng 24/7 at P350 lamang ang babayaran kada buwan ng per households, kung ikukumpara dati na gumagastos ang Sitio Bubusawin ng P1,500 sa tatlong oras na diesel.
“Dahil nagpasa ang kongreso ng bagong batas na sinasabi sa mga power providers na kapag mayroon lugar na hindi pa nabibigyan ng kuryente idedeklara yan ng Department of Energy na unserved o underserved at kukunin ng Gobyerno na ipapa-adopt sa isang entity na Micro Grid Service Provider (MGSP),” dagdag niya.
Ayon pa rin kay Fuentebella, malaking bagay ang pagkakaroon ng kuryente sa isang lugar sapagkat marapat na maranasan ng mga susunod na henerasyon ang kaginhawaan sa tulong ng kuryente.
“We have to make sure that the solar clean sources of energy to make our families and our Children’s more competitive so that our communities will be more competitive, Palawan will attract more investments more tourists, more Filipinos coming here.
The teachers will have a better life here also and they would love to be station and assign here in a very remote area because you those electricity, water, and very nice people,” ani Fuentebella.
Samantala, sa 81 probinsya sa Pilipinas, tanging dalawang probinsya lamang ang napili ng DREAMS project ng DOE – ang Iloilo at Palawan.
Discussion about this post