Makakatulong umano ang mga binili na mga heavy equipment para maisaayos at mapaganda ang serbisyo ng Palawan Electric Cooperative sa lalawigan.
Dumating ang mga ito noong huling linggo pa ng Agosto. Kinabibilangan ito ng dalawang Isuzu Drail trucks, dalawang Boom trucks, apat na Isuzu Manlift, isang Mitsubishi Canter Manlift at isang TCM Forklift.
Ayon kay Cesar Miraflores PALECO area manager, matagal na nilang pangarap ang magkaroon ng mga heavy equipment at sa ngayon ay hinihintay na lamang nila ang pormal na pagbibigay nito sa iba’t-ibang area.
“Talagang itong mga bagong dumating na mga heavy equipments ay matagal na naming pangarap na magkaroon −ngunit ngayong nandyan na ay inaantay na lamang po naming−ang mga operator na mag undergo sa pagsasanay dahil mukhang metikuloso itong mga bagong gamit na dumating,” Pahayag ni Miraflores.
Dagdag pa ni Claire Guludah tagapagsalita ng PALECO, posibleng isang linggo o dalawang linggo na lamang ay maipapadala na ang mga ito sa ga area offices.
“Maaaring a week o two ay maibaba na sa mga area offices itong ating mga heavy equipment,” ani ni Guludah.
Samantala ayon pa sa PALECO, ipapadala ito sa iba’t-ibang lugar sa lalawigan ng Palawan tulad na lamang ng Aborlan, El Nido, Quezon, San Vicente at Taytay.
Discussion about this post