ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Provincial News

Mga stranded na Palawenyo sa Cebu at Mindanao, nagpasaklolo

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
June 4, 2020
in Provincial News
Reading Time: 3 mins read
A A
0
Mga stranded na Palawenyo sa Cebu at Mindanao, nagpasaklolo
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Ilang post ngayon sa social media buhat sa mga taga-Palawan na kasalukuyang na-stranded sa iba’t ibang bahagi ng Visayas at Mindanao dulot ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang humihingi ng tulong sa lokal na pamahalaan at sa mga may mabubuting kalooban, kalakip din ang paglabas nila ng kanilang mga hinaing.

Sa post ni Bb. Honey Grace Lebantino noong Hunyo 2, sinabi niyang bagama’t hindi niya ugaling mag-post ng saloobin sa social media ngunit sa ngalan ng 94 na stranded na kapwa niyang mga Palawenyo na ngayon ay nasa lalawigan ng Cebu at Cebu City ay nais niyang humingi ng tulong para sa kanilang lahat na karamihan sa kanila ay mga mag-aaral at mga reviewees.

RelatedPosts

WPU to start classes on July 7

City Government spearheads Save the Puerto Princesa Bays15th episode

Oil delivery trucks overturns in Abo-abo

“Sana po ay maipaabot itong post na ‘to sa kung sinuman ang pwedeng tumulong. Three months na po kaming di nakalalabas ng dorm namin although para na rin ‘yun sa safety namin, [ngunit kami ay] wala na pong pambili ng foods at pangbayad ng dorm, dahil bukod sa pagkain at bayad sa dorm, nagbabayad din po kami ng laundry dito sa dorm namin,” ani Lebantino.

PINAGPAPASA-PASAHAN

Inihayag din niyang ang ibang mga stranded ay pinagpapasa-pasahan umano ng kani-kanilang barangay kaya’t lalong napatagal ang pag-asikaso nila ng mga kinakailangang requirements. May iba pa na pinaalis sa barangay hall dahil sa ‘non-residents are not allowed’ na polisiya.

“Idagdag pa ang airfare na P8,500 ang halaga at sasabihin pa po kami na sabihan daw sa mga magulang namin na mag-provide ng pambayad sa ticket dahil walang libre. Mga estudyante lang po kami, wala ring trabaho ang mga magulang ng karamihan sa amin. Hirap na nga po magpadala ng allowance at pangbayad sa dorm. Ang iba naman po na ‘No Work, No pay,’ nag-resign na rin po sa trabaho,” himutok pa niya.

Naglabas din ng saloobin si Lebantino at aniya, marami na rin silang nilapitan para mahingan ng tulong ngunit puro “update lang” umano ang sagot sa kanila bagama’t di niya direktang sinabi kung iyon ay sa lokal na pamahalaan ng siyudad o ng lalawigan.

Sa ngayon, hiling umano nila na mabigyan na lamang sila ng ayuda ng Puerto Princesa at Palawan dahil hindi na sila umaasa sa agarang aksyon sa pagpapauwi sa kanila.

Sa mga nagnanais naman umanong tumulong o magbigay ng kaunting halaga ay magpadala lamang sa kanya ng mensahe sa Messenger o sa mga naka-tag sa kanyang post o sa mga bank account na nakapangalan kay Bb. Fatima N. Malacad sa account number na “SA 36637 0413 62.” Maaari rin umanong kina Esther Joy Hizona at John Joseph Verdeflor sa pamamagitan ng Palawan Pawnshop, Cebuana Lhuillier at Western Union.

Ang nasabing post ni Lebantino, ang ilan sa kanilang mga kakilala o netizen ay nag-mention kina CIO Richard Ligad, sa PIO Palawan FB page, Palawan Moving Forward Fb page ng Pamahalaang Panlalawigan, sa Facebook page ng PDRRMO Palawan, Palawan DSWD at sa ilang local media sa Palawan, kabilang na ang Palawan Daily. Sa ngayon ay nasabing post ay nakakuha na ng mahigit 200 shares, 40 comments at 120 reactions.

WALANG AKSYON?

“Nag-ask na kami ng help from Province [of Palawan] and [the] City [Government of Puerto Princesa], asking for mercy flights pero until [now], no actions [pa rin]. Nag-process na kami ng papers requirements and all in all… Personally, ang hirap mag-asikaso, maglakad-lakad. Pati buhay namin, nilalagay na namin at risk pero wala kaming magagawa kasi gusto naming umuwi [na sa Palawan].

Mahirap din maging stranger sa isang lugar, hindi ka pinapakinggan, specially do’n sa process ng papers,” ayon naman sa kasamahan ni Lebantino na si Esther Joy Hizona sa pamamagitan ng text message.

Sa bahagi naman ng Mindanao, isa si Arlene Siosan Escañan mula sa Bayan ng Sofronio Española na kasalukuyang nag-aaral ng kanyang master’s degree sa Environmental Science sa MSU-IIT, ang hanggang sa ngayon ay hindi pa rin sila nakauuwi ng lalawigan at nagpaabot ng pagkadismaya.

“Wala na nga nag-update ‘yung province sa ‘min. Wala na ‘ata silang plano sa ‘min. Wala po silang sinabi; puro update lang. Kahit nga po ‘yung sa financial assistance nila, pinagpasa-pass lang kami [ng] requirements. Wala rin silang binigay,” aniya.

Sa ngayon ay may panggastos pa naman sila ngunit nangangamba siyang kung mas tatagal pa sila roon ay baka maubos na ang kanilang ipon.

“Tapos gusto nila mag-avail kami ng flights ng Skyjet na P8,500! Nakadidismaya talaga! Wala pa silang malinaw na instruction kung ano ang gagawin namin dito lalo na sa pag-process ng requirements para makauwi,” dagdag pa ni Escañan.

Aniya, dalawa silang nag-aaral sa MSU-IIT sa ngayon habang ang mga nasa Marawi naman ay nasa 19 katao at kung isasama pa ang nasa Bukidnon ay mahigit 40 katao sila sa kabuuan.

Sa ngayon, tanging dasal na lamang ng kanilang grupo na buksan na ng Lungsod ang domestic flights para sa mga LSIs upang makauwi na sila sa lalong madaling panahon.

Samantala, sinikap namang kunan ng panig ng Palawan Daily News ang Pamahalaang Panlalawigan at City Government ngunit wala pa silang ibinibigay na pahayag hanggang sa kasalukuyan.

Tags: Cebu & Mindanaocity governmentPamahalaang Panlalawiganstranded na Palawenyo
Share101Tweet63
Previous Post

Pangolin na umano’y kinagat ng aso, na-rescue sa Sta. Lourdes

Next Post

Turn-over of Pag-asa Seaport Proj to LGU Kalayaan set this month

Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

WPU to start classes on July 7
Provincial News

WPU to start classes on July 7

July 7, 2025
City Government spearheads Save the Puerto Princesa Bays15th episode
Provincial News

City Government spearheads Save the Puerto Princesa Bays15th episode

July 7, 2025
Oil delivery trucks overturns in Abo-abo
Provincial News

Oil delivery trucks overturns in Abo-abo

July 7, 2025
Kapitan ng Bangka, arestado sa Coron, Palawan
Provincial News

The Coffins are waiting

July 3, 2025
Kapitan ng Bangka, arestado sa Coron, Palawan
Provincial News

BM Anton Alvarez: Serbisyo, hindi bagong batas ang kailangan ng mamamayang Palawenyo

July 3, 2025
Kapitan ng Bangka, arestado sa Coron, Palawan
Provincial News

Cong. Acosta, tututukan ang problemang pangkalusugan at bahang umaapekto sa third district ng Palawan

July 3, 2025
Next Post
Turn-over of Pag-asa Seaport Proj to LGU Kalayaan set this month

Turn-over of Pag-asa Seaport Proj to LGU Kalayaan set this month

DENR told subdivisions and hotels: Install rainwater collector

DENR told subdivisions and hotels: Install rainwater collector

Discussion about this post

Latest News

Babaeng Wanted sa batas, nahuli sa Brgy. Irawan, PPC

Babaeng Wanted sa batas, nahuli sa Brgy. Irawan, PPC

July 7, 2025
WPU to start classes on July 7

WPU to start classes on July 7

July 7, 2025
City Government spearheads Save the Puerto Princesa Bays15th episode

City Government spearheads Save the Puerto Princesa Bays15th episode

July 7, 2025
Oil delivery trucks overturns in Abo-abo

Oil delivery trucks overturns in Abo-abo

July 7, 2025
Stake holders push for halal slaughterhouse to uplift halal industry

Stake holders push for halal slaughterhouse to uplift halal industry

July 7, 2025

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15000 shares
    Share 6000 Tweet 3750
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11211 shares
    Share 4484 Tweet 2803
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10264 shares
    Share 4106 Tweet 2566
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9647 shares
    Share 3858 Tweet 2412
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    8972 shares
    Share 3589 Tweet 2243
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing