Dismayado ang grupong One Palawan Movement sa mga nangyayari at mga kasong kinakaharap nila Narra Mayor Gerandy Danao at Rizal Mayor Otol Odi.
Ayon kay Cynthia Sumagaysay-del Rosario ng One Palawan Movement, hindi umano makatarungan para sa taong bayan na pumili sa mga ito ang ginawa ng ilang opisyal na pagsasampa ng mga kaso at makakaapekto sa paghahatid ng serbisyo lalo na ngayong panahon ng pandemya.
“Medyo unfair sa taong bayan yung mga nangyayari kasi mga binuto nila dumadaan sa pagsubok sa pagkakaso nga sa kanila at ito ay sagabal sa pag deliver ng basic service ng dalawang mayor,” pahayag ni Sumagaysay-del Rosario.
Pahirap din umano ito sa kay Mayor Danao at Mayor Odi dahil imbes na intindihin ang kanilang tungkulin bilang alkalde ng kanilang mga bayan ay mauubos ang oras kanilang oras sa pag intindi ng kanilang mga kaso.
“Sagabal pa sa oras , imbes nakatutok sila sa pagbibigay serbisyo sa kanilang nasasakupan ay kailangan pang intindihin ang kanilang mga kaso,” dagdag na pahayag ni Sumagaysay-del Rosario.
Samantala sa huli ay hiling nito na sana ay matapos at magkaroon na ng disesyon ang mga kinakaharap na kaso ng dalawang alkalde at sana umano ay pumanig sa mga ito.
Discussion about this post