ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Provincial News

Pampasaherong barko ng 2GO, 17 oras ng stranded sa gitna ng karagatan ng Coron

Hanna Camella Talabucon by Hanna Camella Talabucon
June 13, 2024
in Provincial News
Reading Time: 2 mins read
A A
0
Pampasaherong barko ng 2GO, 17 oras ng stranded sa gitna ng karagatan ng Coron

Photo from Jason Nuevas

Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Coron, Palawan – Halos 17 oras nang stranded sa gitna ng karagatang sakop ng Coron ang isang pampasaherong barko ng 2Go Travel na biyaheng Coron-Puerto Princesa matapos itong masiraan ng makina at ma-bahura ilang minuto lamang matapos nitong makaalis sa pier ng Coron pasado alas-4 ng hapon kahapon, Hunyo 8.

Ang insidente ay naganap rin sa kabila ng maayos na panahon at kalmadong dagat, ayon sa ilang pasahero.

Ayon sa isang kaanak ng pasahero na pinili ng huwag pangalanan, namatay na ang kuryente ng barko kagabi pa, dahilan upang mawalan ng ilaw at kuryente ang buong sasakyan.

RelatedPosts

10 rescue vehicles, dumating na sa Roxas; lahat ng mga barangay, target mabigyan pagsapit ng taong 2028 — Mayor Sabando

8 establisyemento sa El Nido, sinampahan ng reklamo ng DENR

Magkakasunod na groundbreaking at capsule laying ng Hybrid Microgrid Power Plant, isinagawa sa San Vicente at Rizal, Palawan

Dagdag pa rito, ubos na rin umano ang suplay ng tubig at pagkain para sa tinatayang 1,400 pasahero ng barko. Ang kakulangan ng pangunahing pangangailangan ay nagdulot ng labis na pangamba sa mga pasahero at kanilang mga pamilya.

“Nag-aalala na kami dahil hanggang ngayon ay walang inilalabas na pahayag ang pamunuan ng 2Go,” ayon sa isang kaanak na nagnanais manatiling hindi magpakilala.

“Gutom at uhaw na ang mga pasahero. Pati ang mga bata at matatanda ay nahihirapan na.”
Napag-alaman din ng Palawan Daily na may ilang opisyal ng bayan ng Busuanga at Coron ang inunang sagipin ng Philippine Coast Guard (PCG) Coron Sub Station. Walang malinaw na detalye kung bakit ang mga opisyal ang unang binigyang-priyoridad, ngunit ito ay nagdulot ng mas marami pang katanungan mula sa publiko.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pag-antabay ng mga pamilya at kaibigan ng mga pasahero sa anumang bagong impormasyon mula sa mga kinauukulan.

Wala pang opisyal na pahayag na inilalabas ang 2Go Travel hanggang sa mga oras na ito.

Samantala, ayon naman sa Coast Guard District Palawan, balak ng MV St. Francis Xavier na bumalik sa port ng Coron para sa masusing pagsusuri bago magpatuloy sa biyahe nito.

Tinutulungan na rin ng CGS Northeastern Palawan ang pagbaba ng mga pasahero.

Sa pinakabagong update mula sa PCG na kanilang inilabas pasado 9AM ngayong Linggo, Hunyo 9, 106 na pasahero na ang nailigtas at nakababa na bandang alas-7:50 ng umaga. Isasagawa rin ang detalyadong inspeksyon ng barko bago ito payagang magpatuloy sa susunod nitong destinasyon.

Share44Tweet27
ADVERTISEMENT
Previous Post

Cebu Pacific celebrates National Migrants’ Day with free flights for OFWs

Next Post

Pulis sa Puerto Princesa, pumanaw matapos maaksidente sa Motorsiklo

Hanna Camella Talabucon

Hanna Camella Talabucon

Related Posts

10 rescue vehicles, dumating na sa Roxas; lahat ng mga barangay, target mabigyan pagsapit ng taong 2028 — Mayor Sabando
Provincial News

10 rescue vehicles, dumating na sa Roxas; lahat ng mga barangay, target mabigyan pagsapit ng taong 2028 — Mayor Sabando

April 11, 2026
El Nido reminds tourists’ adherence to dress code in town areas following elders’ request
Environment

8 establisyemento sa El Nido, sinampahan ng reklamo ng DENR

April 10, 2026
Magkakasunod na groundbreaking at capsule laying ng Hybrid Microgrid Power Plant, isinagawa sa San Vicente at Rizal, Palawan
Energy

Magkakasunod na groundbreaking at capsule laying ng Hybrid Microgrid Power Plant, isinagawa sa San Vicente at Rizal, Palawan

April 9, 2026
Illicit tobacco trade in MIMAROPA reaches record highs
Provincial News

Illicit tobacco trade in MIMAROPA reaches record highs

April 8, 2026
Palawan Provincial Government at Drugman Drughouse, lumagda sa isang kasunduan nang pagpapalakas ng serbisyong medikal sa lalawigan
Government

Palawan Provincial Government at Drugman Drughouse, lumagda sa isang kasunduan nang pagpapalakas ng serbisyong medikal sa lalawigan

March 30, 2026
Narra’s new P67M rice facility aims to shield Palawan from price shocks
Agriculture

Narra’s new P67M rice facility aims to shield Palawan from price shocks

March 27, 2026
Next Post
Pulis sa Puerto Princesa, pumanaw matapos maaksidente sa Motorsiklo

Pulis sa Puerto Princesa, pumanaw matapos maaksidente sa Motorsiklo

Provincial government’s legal outreach program offers free orientation and legal consultation in Balabac

Provincial government's legal outreach program offers free orientation and legal consultation in Balabac

Discussion about this post

Latest News

Wanted dahil sa kasong pang-aabuso, arestado sa Brgy. San Miguel

Pulis na sangkot sa pagpatay sa Culion, nasa kustodiya na ng Coron MPS

April 12, 2026
Menor de edad, patay sa saksak sa bayan ng Rizal

Exclusive: ‘Police asset’, arestado sa pagpaslang sa lalaki sa Culion; Pulis na umano’y kasama sa pagpaslang nasa warrant din

April 11, 2026
Kursong EMS NC II, aarangkada na sa Petrosphere Puerto Princesa

Kursong EMS NC II, aarangkada na sa Petrosphere Puerto Princesa

April 11, 2026
Night Market sa Puerto Princesa City Baywalk, target na gawing permanente

Night Market sa Puerto Princesa City Baywalk, target na gawing permanente

April 11, 2026
10 rescue vehicles, dumating na sa Roxas; lahat ng mga barangay, target mabigyan pagsapit ng taong 2028 — Mayor Sabando

10 rescue vehicles, dumating na sa Roxas; lahat ng mga barangay, target mabigyan pagsapit ng taong 2028 — Mayor Sabando

April 11, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15253 shares
    Share 6101 Tweet 3813
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11708 shares
    Share 4683 Tweet 2927
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10301 shares
    Share 4120 Tweet 2575
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    10065 shares
    Share 4026 Tweet 2516
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9742 shares
    Share 3896 Tweet 2435
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us