Naghihintay ang kampo ni Rizal Mayor Otol Odi sa pormal na reklamo manggagaling sa Sangguniang Panlalawigan, ito ang nilinaw ni Mac Arthur M. Asutilla tagapagsalita ni Mayor Odi.
Aniya sa ngayon ay wala pa sila natatanggal na pormal na reklamo o dukomento kaya hinihintay parin nila na maipadala umano ito sa kanila ng Sangguniang Panlalawigan.
“As of now wala pa tayo natatanggap na formal complain o itong mga pormal dukomento manggagaling dyan sa Sangguniang Panlalawigan,” Pahayag ni Asutilla.
Kaugnay umano nito, ay magbabase sila sa pinaka pinal na ilalabas na dukomento dahil may kaakibat nang legal na usapin.
Ganun pa man, nanindigan ang kampo ng alkalde na handa ito at may mga gustong tumulong lalo na sa usaping legal.
“Ang ating alkalde ay lagi namang nakahanda-sa ngayon ay wala pa tayo masasabing legal consultant pero may mga handang tumulong,”
Samantala sa ngayon ay tuloy umano ang panalangin ni Mayor Odi at mga mamamayanng Rizal, Palawan na sana maayos ang usapin na ito, kung hanggat maaari ay madaan sa maayos na pag-uusap at hindi na dumaan sa mahabang proseso ng pagdidinig ng kaso, nang sa ganun ay hindi na maapetuhan pa ang kanilang pagbibigay serbisyo.
“Tuloy ang dasal ng ating alkalde,nang kanyang mga nasasakupan na sana once in for all ma-i-settle ito at wag nang humantol sa legal na usapin at pwedi mapag-usapan sa maayos na pamamaraan ay idaan na lamang sa ganung bagay,” saad pa ni Asutilla.
Discussion about this post