Isang van ang nadisgrasya sa bahagi ng Barangay New Cuyo, Roxas, Palawan. Kaugnay nito naglabas ng sama ng loob at galit ang mga biktima galit sa awtoridad at kontraktor ng kalsada.
Naglabas nga ng sama ng loob ang isang sakay ng van matapos bumangga ang sinasakyan nito sa mga bato na nakaharang sa National Highway, Barangay New Cuyo, Roxas Palawan.
Ayon sa post ni Prof. Mae Fernandez-Legazpi, 10 ang sakay ng van at may mga sugat ang mga ito.
Humingi umano ng saklolo ang driver sa Roxas Municipal Police Station, at isang kawani ng PNP ang nakausap na ayaw magbigay ng pangalan, at ang sabi daw nito na walang mobile patrol ang makakapunta.
“With this, I am CALLING OUT the Roxas Police Station, especially to the officer/s on duty last night na ayaw magbigay ng pangalan, and were so DISCOURTEOUS, for their negligent response to the ACCIDENT that happened to my son Raffy and to my companions last night sa Bgy New Cuyo, Roxas, Palawan. Hindi man lang kayo dumating sa scene ng aksidente, at nung pinuntahan kayo sa mismong station ng driver, sarado raw ang opisina niyo at sa bakod niyo lang raw siya kinausap. Sabi niyo pa walang mobile patrol na pwedeng pumunta? Pwede naman sigurong mag motor, hindi ba? At isa pa, akala niyo motor lang ang naaksidente kaya hindi niyo pinuntahan? Kawawa pala ang mga nakamotor sa Roxas, hindi niyo pa pala pupuntahan pag naaksidente. Di na makatarungan yan. Nakakahiya kayo.
“Calling out also the contractor na naglagay ng stockpiles ng bato sa gitna ng daan na wala man lang early warning device, na ikinasalpok ng van namin at pinagmulan ng severe injuries ng aming mga kasama, tulad ng pagkabali ng balikat ng may ari ng van at ang pagkasira ng mismong sasakyan.Buti nalang napicturan na namin agad agad dahil may nag attempt na maglagay ng belated tarpaulin na warning device after kaming isugod sa ospital. Pero napaka-late na. Bawal maglagay ng kahit anong obstruction sa gitna ng daan, nakalagay yan sa batas. Also, balita namin, pumunta ang team ninyo sa site upang mag inspect, pero hindi man lang kayo nag reach out habang nasa Roxas Baptist Hospital para kamustahin kami. Nagtatago ba kayo o nahihiya? Tingin niyo mawawala ang problema pag papabayaan lang?
“Sa kabilang banda, maraming salamat sa agarang pag responde ng PDRRMO team, lalo na kina Roderick Benjamin , RM Josephine Cano, responders Mark Anthony Tabang and John Mark Toyco Sibayan.
“THANK GOD hindi lubha yung injuries namin pero paano kung may namatay sa kapabayaan ninyo? At sa mga pulis na nakaduty kagabi, at pinapabalik pa kami sa Roxas kahit may injuries kami, kesyo kami raw ang may kailangan sa kanila, shame on you! What does this speak of the leadership of the Chief of Police ng PNP Roxas? Inatas niyo pa sa PDRRMO na gumawa ng report.”
Samantala, nagpapasalamat naman ito sa Provincial Capitol at LGU Roxas sa agarang pagtulong at suporta sa kanila,.
“With this, rest assured I will seek to take PROPER ADMINISTRATIVE ACTIONS, to ensure the safety of traveling locals and tourists, and to uphold the standard of our provincial PNP. Hindi to dapat nangyari, at lalong hindi dapat ito mangyari pa kanino man.”
Discussion about this post