Timbog sa buy-bust operation na ikinasa ng Regional Police Drug Enforcement Unit, Bataraza Municipal Police Station , Provincial Intelligence Unit, PPDEU PAL Provincial Police Office, 1st Provincial Mobile Force Company 3rd Platoon, POP TF Palawan at Philippine Drug Enforcement Agency Palawan ang isang ginang sa Barangay Inogbong, Bataraza, Palawan ganap na 6:03 ng gabi Enero 26.
Kinilala ang suspek na si Normalyn Kali Valdez alyas Norma Kabar, 30 anyos, may bahay, at residente sa Brgy. Puring, Bataraza at tinaguriang high-value individual ng otoridad.
Ayon sa Report ng Provincial Police Office, nabilhan ang ginang ng isang pakete ng pinaniniwalaang illegal na druga kapalit ang P1,500.00 buy-bust money.
Maliban sa ito ay nabilhan, nakumpiska din sa kanya ang isa pang pakete at may laman na anim na sachets ng ilegal na druga na tumitimbang ng humigit kumulang 0.80 grams na may market value P9,000.00.
Samantala sinampahan na ang arestadi ng kasong paglabag ng RA 9165.
Discussion about this post