ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Police Report

56-anyos lalaki, patay matapos bugbugin ng kainumang babae sa Narra

Hanna Camella Talabucon by Hanna Camella Talabucon
November 29, 2019
in Police Report, Provincial News
Reading Time: 1 min read
A A
0
56-anyos lalaki, patay matapos bugbugin ng kainumang babae sa Narra

Image from Google

Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Patay ang isang 56-anyos na lalaki matapos umanong bugbugin ng kainuman nitong babae noong 10AM ng Martes, Nobyembre 25 sa Sitio Tugbuan, Barangay Caguisan, Narra, Palawan.

Mula sa spot report galing sa otoridad, nakilala ang biktima bilang si Rodrigo Lucena, mangagawa, at residente ng Barangay Sandoval, Narra, Palawan habang ang suspek naman ay nakilalang si Rosalinda Barrera, nasa legal na edad, isang labandera at residente ng Langka St. Barangay Poblacion, Narra, Palawan.

RelatedPosts

Apat pang pulis na sangkot sa Irawan shooting incident, pinangalanan na

8 sangkot na pulis-Irawan, sinampahan na ng kasong administratibo

Pulis na sangkot sa pagpatay sa Culion, nasa kustodiya na ng Coron MPS

Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, nakatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen ang Narra Municipal Police Station (NMPS) ganap na 1PM ng hapon ng Miyerkules hinggil sa krimen.

Nang kanila itong respondihan, natuklasan ng mga otoridad na noong Martes ay nag-inuman ang suspek at biktima sa isang vulcanizing shop sa pagmamay-ari ng suspek sa Barangay Antipuluan, Narra, Palawan.

Matapos uminom ng ilang bote ng alak mula sa lugar, nagdesisyon ang suspek at biktima na lumipat sa Sitio Tugbuan, Barangay Malinao sa parehong bayan at dito itinuloy ang kanilang inuman.

Ngunit sa gitna ng kanilang inuman, isang argumento ang sumiklab mula sa pagitan ng dalawa na nagdulot ng agarang pisikalan kung saan naitulak umano ng suspek ang biktima dahilan ng pagkatumba nito. Ayon pa din sa mga pulis, patuloy na inatake ng babaeng suspek ang biktima. Dito patuloy niyang pinagsisipa sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at biktima at iniuntog ang ulo nito sa semento.

Nagtamo ng ilang sugat, pilay at pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad isinugod ng mga kawani ng Narra Emergency Rescue Unit (NERU) sa Narra Hospital. Ngunit sa tindi ng natamong pinsala, isinugod ito sa Ospital ng Palawan ngunit binawian din ng buhay.

Sa mga oras na ito, ang suspek ay hawak na ng mga otoridad at maaring makasuhan ng paglabag sa Republic Act 7659 at maari ding maharap sa kasong Homicide.

Tags: anitpuluanmalinaoNarrapalawanPolice Report
Share114Tweet71
ADVERTISEMENT
Previous Post

3-araw na Reg’l Science & Technology Week, isinagawa sa Palawan

Next Post

Palawan artists encourage creativity among youth thru exhibit, workshops

Hanna Camella Talabucon

Hanna Camella Talabucon

Related Posts

Apat pang pulis na sangkot sa Irawan shooting incident, pinangalanan na
City News

Apat pang pulis na sangkot sa Irawan shooting incident, pinangalanan na

April 20, 2026
Pulis-Irawan, sibak sa pwesto matapos ang madugong Biyernes Santo
City News

8 sangkot na pulis-Irawan, sinampahan na ng kasong administratibo

April 20, 2026
Wanted dahil sa kasong pang-aabuso, arestado sa Brgy. San Miguel
Police Report

Pulis na sangkot sa pagpatay sa Culion, nasa kustodiya na ng Coron MPS

April 12, 2026
Menor de edad, patay sa saksak sa bayan ng Rizal
Exclusive

Exclusive: ‘Police asset’, arestado sa pagpaslang sa lalaki sa Culion; Pulis na umano’y kasama sa pagpaslang nasa warrant din

April 11, 2026
PNP, inamin ang ‘lapses’ sa barilan sa Irawan; 4 na pulis-Puerto Princesa, pinangalanan na
City News

‘Susmaryosep, kahawig lang pala’

April 9, 2026
Timeline: Pagkakasunod ng mga pangyayari ng barilan sa Irawan base sa inisyal na imbestigasyon ng PNP
City News

Timeline: Pagkakasunod ng mga pangyayari ng barilan sa Irawan base sa inisyal na imbestigasyon ng PNP

April 9, 2026
Next Post
Palawan artists encourage creativity among youth thru exhibit, workshops

Palawan artists encourage creativity among youth thru exhibit, workshops

PSU marine biologist creates innovations to help Palawan’s seaweeds industry

PSU marine biologist creates innovations to help Palawan’s seaweeds industry

Discussion about this post

Latest News

Congress pushes for strengthening energy and supply security

Congress pushes for strengthening energy and supply security

May 18, 2026
City eyes digital payout for allowances

City eyes digital payout for allowances

May 18, 2026
Structure in mangroves area demolished

Structure in mangroves area demolished

May 18, 2026
Seaside Cebu Arena to open this June 2026

Seaside Cebu Arena to open this June 2026

May 15, 2026
PAGASA: El Niño may emerge starting June 2026

PAGASA: El Niño may emerge starting June 2026

May 15, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15264 shares
    Share 6106 Tweet 3816
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11723 shares
    Share 4689 Tweet 2931
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10302 shares
    Share 4121 Tweet 2576
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    10132 shares
    Share 4053 Tweet 2533
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9750 shares
    Share 3900 Tweet 2437
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing