Patuloy ang isinasagawang information dissemination campaign ukol sa mga bakuna kontra COVID-19. Isa sa mga kadalasang tanong ay kung sino ba ang mga puwedeng mabakunahan nito. May ilan kasi na nag-aalinlangan dahil sa history ng allergies tulad ng asthma.
Ayon kay Dr Maria Carmela Kasala, Allergology and Immunology Specialist sa University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH), normal na ang magkaroon ng reaksyon ang katawan sa kahit anong bakunang matatanggap at hindi iba rito ang COVID-19 vaccine.
“There will always be a reaction to some vaccine, any vaccine for that matter [at] hindi lang po sa COVID-19 vaccine. Tama po na magkaroon ng reaksyon [and] majority of them are what we actually call Reactogenic Reactions or the inflammatory response that occurs after any vaccination. And, mind you, please do not equate reactogenic reactions with allergic reactions [because] they are not the same.”
Dagdag pa nito na nagkakaroon ng Reactogenic reactions ang katawan sa bakuna dahil tini-trigger nito ang immune system upang magkaroon ng antibodies para labanan ang sakit.
“Because usually, ‘pag may bakuna po, ang pinipilit po natin mangyari is magkaroon ng immune response ang ating katawan para mag-develop ng antibodies to fight the disease so magkakaroon po talaga ng inflammatory response especially around the area na pinag injectan. Kailangan po talagang may konting maramdaman.”
Paglilinaw nito, maaaring magpabakuna ng COVID-19 vaccines ang may mga allergy tulad ng asthma at iba pa. Pati na rin ang mga taong may depressed immune system at autoimmune disease ngunit sila ay pinag-iingat dahil walang gaanong pag-aaral sa magiging reaksyon ng kanilang immune system.
“Who can receive naman the COVID-19 vaccines? Kahit meron po kayong allergy sa pagkain [kasi] madalas po itong tinatanong sa amin [kung puwedeng mabakunahan kontra COVID-19] yung mga may allergy sa egg, chicken, seafood, sa bagoong etc. Puwede po kayong maka-receive ng COVID-19 vaccine kahit po doon sa may mga allergy doon sa mga inhalant allergen such as house dust mites, pollens, pets, cockroach etc. puwede po. Allergy to insect venom puwede rin po. Mayroong eczema, may allergic asthma, may allergic rhinitis, mayroong urticaria, [or] on medications [ay] puwede rin po. Those with a history of rashes to oral medicine [ay] maaari rin po maka- receive ng COVID-19 vaccine.”
“Yun po mga pasyente na may depressed immune system at autoimmune diseases [ay] puwede rin naman po. However, they must be informed that the information on such cases is still lacking and that the immune response to vaccine may be reduced. So, until we get further studies on this kind of grouping then hindi po natin masasabi talaga kung the same lang po yung reaction [o] immune response sa vaccine or reduced because of your use of immunosuppressants or because of the presence of autoimmune diseases. But they may receive the COVID-19 vaccine even patients with Bell’s Palsey…“
Ipinaliwanag din nito kung sino ang hindi dapat tumanggap ng COVID-19 vaccines.
“So who should not receive the COVID-19 vaccine? Patients with immediate allergic reaction whether mild to severe such as anaphylaxis to the first dose of the COVID-19 vaccine. This is in the case of those who have already been given the COVID-19 vaccine and are slated to get the second dose. Also, those with a history of allergic reaction to any component of the COVID-19 vaccine, such as polyethylene glycol (PEG) or polysorbate.”
Samantala, matapos mabakunahan ay kailangang maghintay ng 30-minutos sa observation area upang masiguro na hindi magkakaroon ng matinding reaksyon sa bakuna o kung mangyari man ay maagapan kaagad ng mga healthworkers na naroroon sa vaccination site.
“So, lagi po naming pinapaalala dun sa mga nava-vaccinate [na] hindi po dapat sila umalis kaagad kasi mayroon dapat na 30 minutes observation period para ma-check po kung nagkakaroon po sila ng mga konting aberya. All these reactions will actually be noted and yun nga po para ma-monitor po right after your vaccination. But, of course, meron pa rin po puwedeng mangyari within 1 to 4 hours when you’re at home resting so dapat din po ma-report yun kung mangyari man po yun.”
Discussion about this post