ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Provincial News

Calmia Nickel Inc., binigyang-linaw ang mga isyung ipinupukol laban sa kanilang kumpanya

Lance Factor by Lance Factor
April 15, 2026
in Provincial News
Reading Time: 2 mins read
A A
0
Calmia Nickel Inc., binigyang-linaw ang mga isyung ipinupukol laban sa kanilang kumpanya

Atty. Janine Latosa, Legal Counsel ng Calmia Nickel Inc. habang kausap ang mga lokal na mamamahayag sa Palawan

Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Binigyang-linaw ng Calmia Nickel Inc. (CNI) ang mga isyung ibinabato laban sa kanilang kumpanya kabilang na dito ang umano’y panghaharang sa mga katutubo, at ang planong operasyon ng walang kaukulang permiso.

Sa ginanap na press conference nitong Lunes, April 13, sa lungsod ng Puerto Princesa, mariing pinabulaanan ni Atty. Janine Latosa, Legal Counsel ng Calmia, ang mga paratang laban sa kanila. Unang nilinaw ni Latosa ang alegasyon na umano’y pag-o-operate ng kumpanya ng walang kaukulang permiso at sinabing mayr’on silang hawak na legal na mga dokumento, kabilang na ang Declaration of Mining Project Feasibility (DMPF) na sinumite at inaprubahan ng Department of Natural Resources and Environment Resources (DENR) – Mines and Geoscience Bureau (MGB) na siyang nagpapahintulot upang magsagawa ng operasyon sa idineklarang lugar.

RelatedPosts

BFAR warns public vs Box jellyfish

DSWD AICS set to release P5,000 cash assistance to 566 drivers in Palawan

Alvarez consults locals for proposed biomass plant in Roxas town

“Una, hindi pa po aktwa na nago-operate ang Calmia. Kagaya ng aking sinabi kanina, kakakuha pa lamang po ng aming mga permiso mula sa national government noong January 2026,” saad ni Atty. Latosa sa pagharap sa mga lokal na mamamahayag.

Pangalawang nilinaw ng abogado ang isyu ng umano’y kawalan ng suporta mula sa mga lider ng katutubo, partikular sa grupong IPDO-BICAMM. Ayon sa kanya, isa lamang sa 31 miyembro ng board ng BICAMM (Barong-barong, Ipilan, Calasaguen, Aribungos, Maasin, at Mambalot) ang umatras sa suporta sa proyekto.

“Sa akin pong pagkakaalam, isa lamang po sa tatlumpu’t isang board member’s ng BICAMM (Barong-barong, Ipilan, Calasaguen, Aribungos, Maasin, at Mambalot) ang nagbago ng isip at tumututol na ngayon sa operasyon ng Calmia. Majority po ng IP leader ng BICAMM ang nananatili na sumusuporta sa aming kumpanya,” paglilinaw niya.

Sa mainit na isyu naman nang panghaharang sa mga katutubo sa pangunguna ni Panglima Celso Paida, nilinaw ni Latosa na “kailanman ay hindi hinarang ng Calmia ang mga katutubo sa kanilang lupaing ninuno. Malaya po silang nakakalabas-pasok dito.” Ayon pa sa kaniya, nag-ugat lamang umano ang lahat ng isyu nang magsimula silang mag-apply ng business permit sa lokal na pamahalaan ng Brooke’s Point.

Batay naman sa mga dokumentong ibinahagi nito sa mga mamamahayag, nakasaad na Pebrero 11 ngayong taon nang magsumiti ng aplikasyon ang CNI para sa kanilang business permit sa nasabing bayan. Ika-17 ng Marso nang tanggihan ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ang endorsement para sa aplikasyon. Sinundan ito noong Ika-6 ng Abril ng resolusyon mula sa konseho na tumututol sa endorsement ng Infanta nickel mining project at kalaunan ay pinagtibay ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan ang rekomendasyon para sa “revocation” ng endorsement para sa nasabing proyekto.

Samantala, sa naunang pahayag naman ni Mayor Cesareo “Jun” Benedito Jr., nanindigan ito na hindi umano ito pipirma sa anumang resolusyon na mag-i-endorso ng business permit ng naturang kumpanya.

Nakatakdang namang mag-operate ang Calmia sa loob ng 1,114 ektarya sa Sitio Linao, Barangay Ipilan para sa pagmimina.

Patuloy pa rin umano itong makikipag-usap sa mga stakeholders at sa lokal na pamahalaan upang maayos ang mga isyung ibinabato sa kanila. Muli rin nitong binanggit na gagalangin nila ang karapatan ng mga katutubo at umaasa ng patas at tapat na komunikasyon sa lahat ng mga grupo, at ahensyang may kinalaman sa kanilang nakatakdang operasyon.

Tags: Brooke's PointCalmia Nickel Inc.CNIDeclaration of Mining Project FeasibilityIPDO-BICAMMpalawan
Share2Tweet1
ADVERTISEMENT
Previous Post

Roxas LGU procures rescue vehicles to service patients

Next Post

Ipilan Nickel Corporation re-certified to ISO 1400:2025 Environmental Management Standard

Lance Factor

Lance Factor

Related Posts

BFAR warns public vs Box jellyfish
Provincial News

BFAR warns public vs Box jellyfish

May 11, 2026
DSWD AICS set to release P5,000 cash assistance to 566 drivers in Palawan
Provincial News

DSWD AICS set to release P5,000 cash assistance to 566 drivers in Palawan

May 6, 2026
Alvarez consults locals for proposed biomass plant in Roxas town
Provincial News

Alvarez consults locals for proposed biomass plant in Roxas town

May 5, 2026
Provincial News

Coron procures trike for waste collection

May 4, 2026
Cong. Alvarez, humarap sa mga pro-mining groups sa Brooke’s Point; ‘Ayaw namin na wala kayong trabaho!’
Provincial News

Cong. Alvarez, humarap sa mga pro-mining groups sa Brooke’s Point; ‘Ayaw namin na wala kayong trabaho!’

May 1, 2026
Coron install modular floating docks
Provincial News

Coron install modular floating docks

April 30, 2026
Next Post
Ipilan Nickel Corporation re-certified to ISO 1400:2025 Environmental Management Standard

Ipilan Nickel Corporation re-certified to ISO 1400:2025 Environmental Management Standard

City allocates funds for drainage projects

City allocates funds for drainage projects

Latest News

BFAR warns public vs Box jellyfish

BFAR warns public vs Box jellyfish

May 11, 2026
Ipilan Nickel, naglaan ng mahigit ₱160-M para sa proyektong reforestation

Ipilan Nickel, naglaan ng mahigit ₱160-M para sa proyektong reforestation

May 11, 2026
PAWS urges public to stop cruelty vs macaque

PAWS urges public to stop cruelty vs macaque

May 9, 2026
Pasinggatan Festival 2026 makes history as the biggest municipal festival in Palawan

Pasinggatan Festival 2026 makes history as the biggest municipal festival in Palawan

May 9, 2026
PPCCI partners with WPU to help empower local entrepreneurs

PPCCI partners with WPU to help empower local entrepreneurs

May 8, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15260 shares
    Share 6104 Tweet 3815
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11718 shares
    Share 4687 Tweet 2930
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10301 shares
    Share 4120 Tweet 2575
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    10110 shares
    Share 4044 Tweet 2528
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9749 shares
    Share 3899 Tweet 2437
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing